How to Cope with Stress
Find ways to minimize the effects of stress.
1. Just Say No. Iwasan ang pinagmumulan ng stress. Matutong magsabi ng "No." Wag mo nang tanggapin ang mga bagong commitments kung hirap ka na sa mga current na responsibilidad. Iwasan din ang mga bagay o taong nagbibigay ng stress. Iwasan muna ang makipagkita sa kanila o kung kaya, putuling ang anumang komunikasyon. Kontrolin mo rin ang mga bagay sa iyong paligid na nakakastress sa'yo. Patayin ang TV para hindi marinig ang masasamang balita. Mag-taxi paminsan-minsan kung ayaw makipagsiksikan sa MRT.
2. Learn to relax once in a while. Maglakad-lakad sa park. Mag-window shopping. Manood ng sine. Makinig sa music. Do a fun activity with your friends. Give yourself a treat. Gawin ang gustong-gusto mong gawin. Wag din kakalimutan na manalangin. In the presence of God, you can find peace, joy and rest. Kapag maraming dapat tapusin na projects, mas kailangan mong manalangin. God will give you the strength to finish all your work.
3. Stay fit. Isang effective na panlaban sa stress ang good health. Exercise regularly and have a healthy diet. Get enough sleep. Iwasan ang sobrang caffeine at sugar. Take vitamin supplements and monitor your water intake.